vanjunvillarubia.blogspot.com

Monday, October 23, 2017

Alaala

Alaala
Vanjun Villarubia

Naging malamig ka pero andun ako para yakapin ka.
Bigla kang bumitaw at timpla mo ay nag-iba.
Natakot ako na baka ika'y magpaalam,
Ang hindi ko namalayan matagal ka nang lumisan.

Tama na, ayaw ko na.
Paulit ulit kong naririnig at naaalala.
Tama na! Sambit mo. Ayoko na! Sinigaw mo pa.
Doon ako namulat na ang mga pangako mo ay kasinungaling lang pala.


Nagpakahibang at nagpakatanga. Oo inaamin ko na minahal kita.
Pero ang salitang mahal kita para sa'yo ay walang halaga.
 Isa lamang pala itong basura tulad ng turing mo noong sinabi mo
na ako lamang at wala nang iba.

Ngayon alam ko na. Na ang ikaw at ako ay hindi para sa isa't isa.
Na ang pangako mo ay kahibangan lamang pala.
Akala ko tunay, laro lang pala.
Akala ko hanggang sa dulo, hanggang dito lang pala.

No comments:

Post a Comment