vanjunvillarubia.blogspot.com

Monday, October 16, 2017

'Di biro ang magtapat sa'yo

'Di biro ang magtapat sa'yo
Vanjun Villarubia

Kung ang tanong mo ay kung may gusto ako sayo,
Higit pa sa gusto ang nararamdaman ko.
Pilit ko mang itago ang damdamin ko para sayo,
Hirap pa rin akong magkunwari sa bawat pag sulyap mo.

Nahihiya kinakabahan at natatakot man akong umamin,
Na ikaw ang nagbigay ng buhay sa natutulog kong damdamin
Pero sa iyo ito ang gusto kong sambitin,
Na ikaw lamang magpakailan man ang iibigin.

Kung ang tanong mo ay kung mahal kita,
Ang sagot ko ay higit pa sa iyong nakikita.
Kapag andyan ka, gusto kong tumalon sa tuwa
Kapag wala ka, wala akong ibang hangad kung 'di ang muli kang makita.

Kung ang tanong mo ay kung gaano ka kahalaga,
Ang sagot ko ay higit pa sa iyong inaakala.
Wala na akong hahanapin pang iba,
Ikaw lamang at wala nang iba.

No comments:

Post a Comment