vanjunvillarubia.blogspot.com

Sunday, October 8, 2017

Pangako---'di na

Pangako---'di na
Vanjun Villarubia

Wag kang mag-alala, di ka na mag-iisa.
Dito lang ako malapit sa puso mo,
Handang umalalay sa'yo.

Pupunasan mga luha mong nasayang.
Papawiin lumbay na wala na yatang katapusan.
Ibabalik mga ngiting minsan ko nang nasilayan.

Yayakapin ka hanggang ika'y mapatahan,
Aalagaan damdaming mong nahihirapan,
Pupunan kanyang mga pagkukulang.

Ang lumbay, ay mawawala na.
Ang mag-isa ka, ay hindi na.
Ang iwanan ka, ay hindi magagawa.

Kaya't bumangon at lumaban ka,
Dahil karapatan mo ding sumaya,
Sa kabiguang iyong nadarama.

No comments:

Post a Comment