Vanjun Villarubia
Maraming gustong sabihin, maraming
gustong liwanagin, mayroon gustong aminin, mayroon gustong Iparating. Ngunit hindi
kayang sambitin ang dinadaing ng puso’t damdamin kaya ibubulong na lamang ito
sa isang malamig na simoy ng hangin, at doon aasang ang naradama’y makarating.
Marahil ay isang kabaliwan at
kahangalan lamang kung iisipin, na ang panaghoy sa hangin ang siya mismong mag
sasabi ng dinadalangin, Ngunit huwag ito’y masamain dahil sadyang kay hirap lamang
bigkasin ng nadaramang, tila baga’y walang kasiguraduhan kahit pa ikaw ay
manalangin.
Kinakabahan at hindi kayang pigilan
ang pag pintig ng pulso sa nadaramang pilit kinukubli at itinatago, na para
bagang isang malaking bulkang na nag aadyang sumabog anong oras man at
paniguradong maglabas ng nag-aalab at babagang apoy na nag mula sa pinakaibubuturan.
Ang bagong usbong na pag-ibig ay tulad ng pag daan ng isang takip silim
kung saan unti-unti nating namamalayan ang pag tago ng Haring araw sa katubigan
at sa pagdilim ng kalangitan na sya namang pag lutang ng nag gagandahang bituin
sa kalawakan at dito tuluyan mong masisilayan ang pag litaw ng biliog na buwan.
Ang pag dahan-dahang pag patak ng ulan
at pag daloy nito sa tigang na kalupaan ay parang pag-sibol ng simpleng
pagkakaibigan, na kung saan nag umpisa lamang sa isang masarap na kwentuhan, at
doon ay sabay na nag tawanan, nag-kakulitan at nag-kakilanlan ng hindi
namamalayan na unti-unti na pa lang nag nagkaka-ibigan.
Puno ng pagkukubli tinatawag sya ng
iba na torpe at akala ng iba ay isang malaking atras-abante. Ngunit hanggang sa
huli ay hindi nya masabi, hindi maiparating at hindi kayang sambitin ang
kanyang balakin at mithiin. Hanggang sa dumating ang araw na sumuko na lamang at
hindi na nagawa pa kailanman…..ang pag amin…
No comments:
Post a Comment