vanjunvillarubia.blogspot.com

Tuesday, October 17, 2017

Oo nga pala--Tapos na

Oo nga pala--- Tapos na
Vanjun Villarubia

Lumipas na mga pagkakataon.
Lumipas na ang mahabang panahon
Pero sa bawat araw na ako'y bumabangon,
Hanap pa rin ang ating masayang kahapon.
Hanap pa rin mga oras natin at panahon,
Hanap pa rin mga ngiti mo sa akin kahapon,
Laging tanong kung bakit nga ba naging ganun,

Inaaliw ang aking sarili,
Inaaliw ang bawat sandali,
Pinipilit na ang lumbay ay mapawi
Tinatakasan ang bawat pait at pighati
Kinukumbinsi na pwede pa ang dati
Pinipilit na sa isip ikaw ay manatili
Umaasa na ika'y mag balik sa aking tabi

Ngunit alam kong tapos na ang dati
At hindi na nating kainglangan pang magkunwari
Ang apoy ng pagibig ay tuluyan nang nagapi
At tuluyang nilamon ng galit na di ko mawari.
Luha ay nasayang na at hindi na ito mababawi pa
Wala nang babalikan sa nakaraan
Pag-Ibig na natagpuan ay may katapusan.


No comments:

Post a Comment